Pagba-back up at pagbabalik ng nilalaman
Sa pangkalahatan, hindi ka dapat mag-save ng mga larawan, video at iba pang personal
na nilalaman sa internal memory lang ng iyong device. Kung may mangyari sa hardware,
o kung mawala o manakaw ang iyong device, tuluyang mawawala ang data na
nakaimbak sa internal memory nito. Inirerekomendang gamitin ang software na Xperia™
Companion upang magsagawa ng mga pag-back up na ligtas na magse-save sa iyong
data sa isang computer, na isang external device. Partikular na inirerekomenda ang
paraang ito kung ina-update mo ang software ng iyong device sa mas bagong bersyon
ng Android.
Gamit ang Pag-backup at Pagbalik, makakapagsagawa ka ng mabilis na online na pag-
back up ng mga pangkaraniwang setting at data sa pamamagitan ng iyong Google™
account.
Napakahalagang tandaan mo ang password na itatakda mo kapag nagsagawa ka ng pag-
back up ng data. Kung makalimutan mo ang password, maaaring hindi na posibleng maibalik
ang mahalagang data gaya ng mga contact at mensahe.
Pagba-back up ng data sa isang computer
Gamitin ang software na Xperia™ Companion upang mag-back up ng data mula sa
iyong device patungo sa isang PC o Apple
®
Mac
®
computer. Maaari mong i-back up
ang mga sumusunod na uri ng data:
•
Mga Contact
•
Kalendaryo
•
Mga Setting
•
Mga media file gaya ng musika at mga video
•
Mga larawan at imahe
Upang i-back up ang iyong data gamit ang isang computer
1
Tiyaking naka-install ang Xperia™ Companion for Windows
( http://support.sonymobile.com/tools/xperia-companion ) o Xperia™ Companion
for Mac OS ( http://support.sonymobile.com/tools/xperia-companion-mac ) sa
iyong PC o Mac
®
.
2
Ikonekta ang iyong device sa computer gamit ang isang USB cable.
3
Computer: Buksan ang Xperia™ Companion software kung hindi ito
awtomatikong malulunsad. Pagkalipas ng ilang sandali, made-detect ng computer
ang iyong device.
4
Piliin ang
Backup sa pangunahing screen.
5
Sundin ang mga tagubiling nasa screen upang mag-back up ng data mula sa
iyong device.
113
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang ibalik ang iyong data gamit ang isang computer
1
Tiyaking naka-install ang Xperia™ Companion for Windows
( http://support.sonymobile.com/tools/xperia-companion ) o Xperia™ Companion
for Mac OS ( http://support.sonymobile.com/tools/xperia-companion-mac ) sa
iyong PC o Mac
®
.
2
Ikonekta ang iyong device sa computer gamit ang isang USB cable.
3
Computer: Buksan ang Xperia™ Companion software kung hindi ito
awtomatikong malulunsad.
4
I-click ang
I-restore .
5
Pumili ng backup file mula sa mga backup na rekord, pagkatapos ay tapikin ang
Susunod at sundin ang mga tagubilin sa screen para maibalik ang data sa iyong
device.
Pag-back up gamit ang application na Pag-backup at pagbalik
Maaari mo lang gamitin ang paraang ito upang mag-back up at magbalik ng nilalaman sa
parehong bersyon ng Android software. Hindi mo maaaring gamitin ito upang magbalik ng
nilalaman pagkatapos ng pag-upgrade ng system.
Inirerekomenda ang application na Pag-backup at pagbalik para sa pag-back up ng
nilalaman bago ka magsagawa ng pag-reset ng factory data. Gamit ang application na
ito, maba-back up mo ang mga sumusunod na uri ng data sa isang SD card o sa isang
panlabas na USB na storage device na iyong kinonekta sa pamamagitan ng cable sa
iyong device:
•
Mga Bookmark
•
Mga talaan ng tawag
•
Mga Contact
•
Mga application na na-download mula sa Google Play™
•
Mga multimedia message
•
Mga setting ng system (gaya ng mga alarma, volume ng ringer, at mga setting ng wika)
•
Mga text message
Maaari kang makaipon ng karagdagang mga singil sa pagpapadala ng data kapag nagbalik ka
ng mga application mula sa Google Play™.
Upang mag-back up ng nilalaman gamit ang application ng Pag-backup at pagbalik
1
Kung nagba-back up ka ng nilalaman sa isang USB na storage device, tiyaking
nakakonekta ang storage device sa iyong device gamit ang naaangkop na cable.
Kung nagba-back up ka sa isang SD card, tiyaking maayos na nakalagay ang SD
card sa iyong device.
2
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
3
Hanapin at tapikin ang
I-backup at ipanumbalik.
4
Tapikin ang
I-back up, pagkatapos ay pumili ng patutunguhan ng backup at ang
mga uri ng data na gusto mong i-back up.
5
Tapikin ang
Mag-back up ngayon.
6
Magpasok ng password para sa pag-backup, pagkatapos ay tapikin ang
OK.
Upang mag-restore ng nilalaman gamit ang application na Pag-backup at pag-restore
1
Kung nagre-restore ka ng nilalaman sa isang USB na storage device, tiyaking
nakakonekta ang storage device sa iyong device gamit ang naaangkop na kable.
Kung nagre-restore ka ng nilalaman sa isang SD card, tiyaking maayos na
nakalagay ang SD card sa iyong device.
2
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
3
Hanapin at tapikin ang
I-backup at ipanumbalik.
4
Tapikin ang
Ipanumbalik.
5
Piliin ang record na gusto mong i-restore, pagkatapos ay tapikin ang
Ipanumbalik
ngayon.
6
Ipasok ang password para sa backup na record, pagkatapos ay tapikin ang
OK.
Tandaan na ang anumang mga pagbabago na iyong ginawa sa iyong data at mga setting
pagkaraan mong gumawa ng backup ay mabubura sa panahon ng pamamaraan sa pag-
restore.
114
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.