Sony Xperia E1 - Katayuan at mga pagpapaalam

background image

Katayuan at mga pagpapaalam

Ipinapaalam sa iyo ng mga icon sa status bar ang tungkol sa mga kaganapan gaya ng

mga bagong mensahe at pagpapaalam ng kalendaryo, mga aktibidad na kasalukuyang

ginagawa gaya ng mga pag-download ng file, at impormasyon sa katayuan gaya ng

antas ng baterya at lakas ng signal. Maaari mong i-drag pababa ang status bar upang

buksan ang panel ng Notification at pangasiwaan ang iyong mga pagpapaalam.

Upang piliin kung aling mga icon ng system ang ipapakita sa status bar

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Pagpe-personalize > Mga icon sa status

bar.

3

Piliin ang mga icon na gusto mong ipakita.

19

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Upang buksan o isara ang Panel ng notification

Upang piliin ang mga app na pinapayagang magpadala ng mga pagpapaalam

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Pagpe-personalize > Pamahalaan ang

mga notification.

3

Piliin ang mga app na pinapayagang magpadala ng mga pagpapaalam.

Upang gumawa ng pagkilos sa isang notification

Tapikin ang notification.

Upang balewalain ang isang abiso mula sa Panel ng abiso

Ilagay ang iyong daliri sa isang notification at mag-flick pakaliwa o pakanan.

Upang i-clear ang lahat ng pagpapaalam mula sa panel ng Notification

Tapikin ang

I-clear.

Ilaw ng notification

Ipinapaalam sa iyo ng ilaw ng notification ang tungkol sa status ng baterya at ilan pang

kaganapan. Halimbawa, ang ibig sabihin ng nagpa-flash na puting ilaw ay may bagong

mensahe o di nasagot na tawag.