Bakit kailangan ko ng Google™ account?
Ang iyong Xperia™ device mula sa Sony ay gumagamit ng Android™ platform na binuo
ng Google™. May iba't ibang application at serbisyo ng Google™ na available sa iyong
device kapag binili mo ito, halimbawa, Gmail™, Google Maps™, YouTube™ at ang
application na Play Store™, na nagbibigay sa iyo ng access sa online store ng Google
Play™ para sa pagda-download ng mga Android™ application. Upang masulit ang mga
serbisyong ito, kailangan mo ng Google™ account. Halimbawa, kinakailangan ng
Google™ account kung gusto mong:
•
Mag-download at mag-install ng mga application mula sa Google Play™.
•
Mag-synchronize ng email, mga contact at kalendaryo gamit ang Gmail™.
•
Makipag-chat sa mga kaibigan gamit ang application na Hangouts™.
•
I-synchronize ang iyong kasaysayan ng pagba-browse at mga bookmark gamit ang web
browser na Google Chrome™.
•
Patunayan ang iyong sarili bilang awtorisadong user pagkatapos mag-ayos ng software
gamit ang Xperia™ Companion.
•
Malayuang hanapin, i-lock o i-clear ang isang nawawala o nanakaw na device gamit ang
mga serbisyo ng my Xperia™ o Android™ Device Manager.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Android™ at Google™, pumunta sa
http://support.google.com.
Mahalagang tandaan mo ang username at password ng iyong Google™ account. Sa ilang
sitwasyon, maaaring kailanganin mong patunayan ang iyong sarili para sa seguridad gamit ang
iyong Google™ account. Kung hindi mo maibibigay ang iyong username at password sa
Google™ sa ganoong mga sitwasyon, mala-lock ang iyong device. Kung mayroon ka namang
mahigit sa isang Google™ account, siguraduhing ipasok ang mga detalye para sa nauugnay
na account.
Upang mag-set up ng Google™ account sa iyong device
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at i-tap ang
Mga Setting > Magdagdag ng account > Google.
3
Sundin ang wizard sa pagpaparehistro upang gumawa ng Google™ account, o
mag-sign in kung mayroon ka nang account.
Maaari ka ring mag-sign in sa o lumikha ng Google™ account mula sa gabay sa pag-setup sa
unang pagkakataong binuksan mo ang iyong device. O maaari kang mag-online at lumikha ng
account sa
www.google.com/accounts
.