Pagpapaganda sa tunog
Maaari mong pagandahin ang tunog ng iyong device sa pamamagitan ng manu-manong
pagpapagana sa mga indibidwal na setting ng tunog gaya ng Clear Phase™ at
xLOUD™, o maaari mong hayaan ang teknolohiyang ClearAudio+ na awtomatikong i-
adjust ang tunog. Maaari mo ring paganahin ang Dynamic normalizer nang sa gayon ay
mabawasan ang mga pagkakaiba sa volume sa pagitan ng iba't ibang media file.
Paggamit ng Clear Phase™ technology
Gamitin ang Clear Phase™ technology mula sa Sony upang ma-adjust ang kalidad ng
tunog na nagmumula sa panloob na mga speaker ng iyong device upang magkaroon ng
mas malinis, mas natural na tunog.
Upang pagandahin ang kalidad ng tunog ng speaker gamit ang Clear Phase™
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at i-tap ang
Mga Setting > Tunog > Mga sound effect.
3
Alisan ng marka ang checkbox na
ClearAudio+ kung may marka ito.
4
Tapikin ang
Pagpapahusay ng tunog > Mga Setting.
5
Markahan ang
Clear Phase™ na checkbox.
Ang pagsasaaktibo ng feature na Clear Phase™ ay walang epekto sa mga application ng voice
communication. Halimbawa, walang pagbabago sa kalidad ng voice call sound.
Paggamit ng xLOUD™ technology
Gamitin ang xLOUD™audio filter technology mula sa Sony upang pahusayin ang volume
ng speaker nang hindi isinasakripisyo ang kalidad. Makakuha ng higit na dynamic na
tunog habang nakikinig ka sa iyong mga paboritong kanta.
Upang lakasan ang volume ng speaker gamit ang xLOUD™
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at i-tap ang
Mga Setting > Tunog > Mga sound effect.
3
Alisan ng marka ang checkbox na
ClearAudio+ kung may marka ito.
4
Tapikin ang
Pagpapahusay ng tunog > Mga Setting.
5
Markahan ang
xLOUD™ na checkbox.
Ang pagsasaaktibo ng feature na xLOUD™ ay walang epekto sa mga application ng voice
communication. Halimbawa, walang pagbabago sa kalidad ng voice call sound.
38
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.