Sony Xperia E1 - Legal na impormasyon

background image

Legal na impormasyon

Sony D2004/D2005

Ang User guide na ito ay inilathala ng Sony Mobile Communications AB o ng lokal na kaakibat na kumpanya nito,

nang walang anumang warranty. Ang mga pagpapabuti at pagbabago sa User guide na ito na dulot ng mga

typographical na error, mga pagkakamali sa kasalukuyang impormasyon, o mga pagpapabuti sa mga program at/o

kagamitan, ay maaaring gawin ng Sony Mobile Communications AB anumang oras at nang walang abiso.

Gayunpaman, ang mga naturang pagbabago ay isasama sa mga bagong edisyon ng User guide na ito.
©Sony Mobile Communications AB, 2013.
May kakayahan ang iyong mobile device na mag-download, mag-imbak at magpasa ng karagdagang nilalaman,

halimbawa, mga ringtone. Maaaring paghigpitan o pagbawalan ng mga karapatan ng third party ang paggamit sa

naturang nilalaman, kabilang ang ngunit hindi limitado sa paghihigpit sa ilalim ng mga naaangkop na batas sa

copyright. Ikaw, at hindi ang Sony, ang ganap na responsable para sa karagdagang nilalaman na iyong ida-

download sa o ipapasa mula sa iyong mobile device. Bago ang iyong paggamit ng anumang karagdagang

nilalaman, mangyaring patotohanan na ang iyong nilalayong paggamit ay wastong nalisensyahan o kung hindi man

ay pinapahintulutan. Hindi ginagarantiya ng Sony ang katumpakan, integridad o kalidad ng anumang karagdagang

nilalaman o anumang iba pang nilalaman ng third party. Hindi mananagot ang Sony sa anumang pangyayari sa

paano mang paraan para sa iyong hindi tamang paggamit ng karagdagang nilalaman o iba pang nilalaman ng third

party.
Maaaring sumangguni ang User guide na ito sa mga serbisyo o application na ibinigay ng mga ikatlong partido.

Ang paggamit ng naturang programming o mga serbisyo ay maaaring mangailangan ng hiwalay na

pagpaparehistro sa third party na provider at maaaring sakop ng mga karagdagang tuntunin ng paggamit. Para sa

mga application na ina-access sa o sa pamamagitan ng website ng third-party, mangyaring suriin muna ang mga

tuntunin ng paggamit at naaangkop na patakaran sa privacy ng mga naturang website. Hindi tinitiyak o

ginagarantiya ng Sony ang pagiging available o ang pagganap ng anumang mga website o inaalok na serbisyo ng

third-party.
Ang Sony ay isang trademark ng Sony Corporation. Ang Android ay isang trademark ng Google Inc. Ang lahat ng

iba pang pangalan ng produkto at kumpanya na binabanggit dito ay ang mga trademark o nakarehistrong

trademark ng kani-kaniyang may-ari ng mga ito. Ang anumang mga karapatang hindi hayagang ibinigay dito ay

nakalaan. Bisitahin ang

www.sonymobile.com para sa higit pang impormasyon.

Ang lahat ng larawan ay para lang sa paglalarawan at maaring hindi tumpak na naglalarawan sa aktwal na device.
Ang produktong ito ay pinoprotektahan ng ilang partikular na karapatan sa intellectual property ng Microsoft. Ang

paggamit o pamamahagi ng naturang teknolohiya sa labas ng produktong ito ay ipinagbabawal nang walang

lisensya mula sa Microsoft.
Ang mga may-ari ng nilalaman ay gumagamit ng teknolohiyang Windows Media digital rights management

(WMDRM) upang protektahan ang kanilang intellectual property, kabilang ang mga copyright. Ang device na ito ay

gumagamit ng WMDRM software upang i-access ang nilalamang pinoprotektahan ng WMDRM. Kung mabigo ang

WMDRM software na protektahan ang nilalaman, maaaring hilingin ng may-ari ng nilalaman sa Microsoft na bawiin

ang kakahayan ng software na gamitin ang WMDRM upang i-play o kopyahin ang pinoprotektahang nilalaman.

Hindi naaapektuhan ng pagbawi ang hindi pinoprotektahang nilalaman. Kapag nag-download ka ng mga lisensya

para sa pinoprotektahang nilalaman, sumasang-ayon ka na maaaring magsama ang Microsoft ng listahan ng

pagbawi sa mga lisensya. Maaaring hilingin sa iyo ng mga may-ari ng nilalaman na i-upgrade ang WMDRM upang

ma-access ang kanilang nilalaman. Kung tatanggihan mo ang isang pag-upgrade, hindi mo maa-access ang

nilalamang nangangailangan ng pag-upgrade.
Ang produktong ito ay may lisensya sa ilalim ng MPEG-4 visual at AVC patent portfolio na mga lisensya para sa

personal at hindi pangkomersyal na paggamit ng consumer para sa (i) pag-encode ng video na sumusunod sa

MPEG-4 visual standard ("MPEG-4 video") o sa AVC standard ("AVC video") at/o (ii) pag-decode ng MPEG- 4 o

AVC video na na-encode ng consumer na may ginagawang personal at hindi pangkomersyal na aktibidad at/o

nakuha mula sa provider ng video na lisensyado ng MPEG LA upang magbigay ng MPEG-4 at/o AVC video.

Walang lisensyang ibinibigay o ipinapatupad para sa anumang iba pang paggamit. Ang kasamang karagdagang

impormasyon na nauugnay sa mga paggamit na pampromosyon, panloob at pangkomersyal at paglilisensya ay

117

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

maaaring makuha mula sa MPEG LA, L.L.C. Tingnan ang http://www.mpegla.com. May lisensya ang MPEG

Layer-3 audio decoding technology mula sa Fraunhofer IIS and Thomson.
WALANG PANANAGUTAN ANG SONY MOBILE PARA SA ANUMANG PAGKAWALA, PAGKABURA AT/O PAG-

OVERWRITE NG PERSONAL NA DATA O MGA FILE NA NAKA-IMBAK SA IYONG TELEPONO (KABILANG ANG

NGUNIT HINDI LIMITADO SA MGA CONTACT, TRACK NG MUSIKA AT LITRATO) NA NAGMUMULA SA

ANUMANG PAG-UPDATE SA IYONG DEVICE SA PAMAMAGITAN NG ANUMANG MGA PARAAN NA

INILALARAWAN SA GABAU NG USER NA ITO, GAYUNDIN ANG PAGMUMULA SA PAGGAMIT NG ANUMANG

MGA PALATANDAAN AT TIP NA IBINIBIGAY SA ILALIM NG MGA SUBSECTION NA “MGA PARAAN PARA SA

PAGLILIPAT NG MGA CONTACT” AT “STORAGE NG DATA” NG DOKUMENTONG ITO. HINDI KAILANMAN

MANANAGOT SA IYO ANG SONY MOBILE O ANG MGA SUPPLIER NITO PARA SA ANUMAN AT LAHAT NG

PINSALA, PAGKAWALA AT SANHI NG PAGKILOS (NASA KONTRATA MAN O NASA TORT, KABILANG ANG,

NGUNIT HINDI NILILIMITAHAN SA KAPABAYAAN O IBA PA) NA LUMAGPAS SA HALAGANG AKTWAL MONG

IBINAYAD PARA SA IYONG DEVICE.

118

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.