Sony Xperia E1 - Mga setting ng video camera

background image

Mga setting ng video camera

Para i-adjust ang mga setting ng video camera

1

Isaaktibo ang camera.

2

Tapikin ang isa sa mga icon ng mga setting sa screen.

3

Para ipakita ang lahat ng setting, tapikin ang .

4

Piliin ang setting na gusto mong i-adjust, pagkatapos ay gawin ang iyong mga

pagbabago.

Pangkalahatang-ideya sa mga setting ng video camera

Resolution ng video

I-adjust ang resolution ng video para sa iba't ibang format.

VGA

640×480(4:3)

VGA format na may 4:3 na aspect ratio.

QVGA

320×240(4:3)

QVGA format na may 4:3 na aspect ratio.

MMS

Magrekord ng mga video na naaangkop na ipadala bilang mga multimedia message. Ang oras ng pagrekord

ng format ng video na ito ay limitado upang umakma sa isang multimedia message.

Self-timer

Gamit ang self-timer, maaari kang magrekord ng video nang hindi hahawakan ang

device. Gamitin ito upang magrekord ng mga panggrupong video kung saan

makakasama sa video ang lahat. Magagamit mo rin ang self-timer upang maiwasan ang

pag-alog ng camera kapag nagrerekord ng mga video.

Naka-on (10 segundo)

82

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Magtakda ng 10-segundong pagkaantala simula sa pagtapik mo sa screen ng camera hanggang sa

magsimulang marekord ang video.

Naka-on (2 segundo)

Magtakda ng 2-segundong pagkaantala simula sa pagtapik mo sa screen ng camera hanggang sa

magsimulang marekord ang video.

I-off

Agad na magsisimulang marekord ang video sa sandaling tatapikin mo ang screen ng camera.

Smile Shutter™(video)

Gamitin ang paggana ng Smile Shutter™ upang tukuyin kung sa anong uri ng ngiti

gagana ang camera bago magrekord ng video.

Mode ng pag-focus

Kinokontrol ng setting ng focus kung aling bahagi ng video ang dapat na maging sharp.

Kapag naka-on ang continous autofocus, patuloy na nag-a-adjust ang focus ng camera

kaya ang lugar na nasa loob ng puting photo frame ay nananatiling matalas.

Isang autofocus

Awtomatikong nagfo-focus ang camera sa napiling paksa. Naka-on ang tuluy-tuloy na autofocus.

Deteksyon ng mukha

Awtomatikong nakikita ng camera ang hanggang sa limang mukha ng tao, na ipinapahiwatig ng mga frame

sa screen. Awtomatikong nagpo-focus ang kamera sa pinakamalapit na mukha. Maaari ka ring pumili kung

sa aling mukha magpo-focus sa pagtapik nito sa screen. Kapag tinapiko mo ang screen ng camera,

ipapakita ng isang dilaw na frame kung aling mukha ang nakapili at fino-focus. Hindi magagamit ang

deteksyon ng mukha para sa lahat ng mga uri ng eksena. Naka-on ang tuluy-tuloy na autofocus.

Pagsubaybay sa object

Kapag pinili mo ang isang bagay sa pamamagitan ng pag-touch dito sa viewfinder, susundan ito ng camera

para sa iyo.

Available lang ang setting na ito sa

Manu-mano na mode sa pagkuha.

HDR na video

Gamitin ang setting na HDR (High-Dynamic Range) ng video upang mag-record ng video

laban sa sobrang maliwanag na back light o sa mga kundisyon kung saan sharp ang

contrast. Nagko-compensate ang Video HDR para sa pagkawlaa ng detalye at

gumagawa ng larawan na kumakatawan sa parehong madilim at maliwanag na lugar.

Available lang ang setting na ito sa

Manu-mano na mode sa pagkuha.

Metering

Awtomatikong tinutukoy ng pagganang ito ang mahusay na nabalanseng exposure sa

pamamagitan ng pagsukat sa dami ng liwanag na tumatama sa imaheng gusto mong

kunan.

Gitna

Ina-adjust ang exposure sa gitna ng imahe.

Katamtaman

Kinakalkula ang exposure batay sa dami ng ilaw na tumatama sa buong imahe.

Spot

Ina-adjust ang exposure sa napakaliit na bahagi ng imahe na gusto mong kunan.

Available lang ang setting na ito sa

Manu-mano na mode sa pagkuha.

SteadyShot™

Kapag nagrerekord ng video, maaaring mahirap hawakan ang device nang nakapirmi.

Tumutulong sa iyo ang stabilizer sa pamamagitan ng pag-compensate para sa mga

kaunting paggalaw ng kamay.

83

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Mikropono

Pilin kung kukunin ang mga tunog sa paligid kapag nagre-record ng mga video.

Flash

Gamitin ang ilaw ng flash upang magrekord ng mga video kapag hindi mainam ang mga

kundisyon ng liwanag o kapag may backlight. Available lang sa screen ng video camera

ang icon ng flash ng video na . Tandaan na maaaring mas mainam minsan ang

kalidad ng video nang walang liwanag kahit na hindi mainam ang mga kundisyon ng

liwanag.

I-on

I-off

84

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.