Sony Xperia E1 - Mga setting ng still na camera

background image

Mga setting ng still na camera

Upang i-adjust ang mga setting ng still camera

1

I-aktibo ang camera.

2

Upang ipakita ang lahat ng setting, tapikin ang .

3

Piliin ang setting na gusto mong i-adjust, pagkatapos ay mag-edit hangga't nais.

Pangkalahatang-ideya ng mga setting ng still camera

Resolution

Pagpilian ang ilang resolution at aspect ratio bago kumuha ng larawan. Ang isang

larawang may mas mataas na resolution ay nangangailangan ng mas malaking memory.

3MP

2048×1536(4:3)

3 megapixel na resolution na may 4:3 na aspect ratio. Naaangkop sa mga larawan na gusto mong tingnan sa

mga hindi widescreen na display o i-print sa mataas na resolution.

2MP

1920×1080(16:9)

2 megapixel na resolution na may 16:9 na aspect ratio. Naaangkop sa mga larawan na gusto mong tingnan

sa mga widescreen na display.

1MP

1280×720(16:9)

1 megapixel na resolution na may 16:9 na aspect ratio. Naaangkop sa mga larawan na gusto mong tingnan

sa mga widescreen na display.

WVGA

800×600(4:3)

WVGA format na may 4:3 na aspect ratio. 800x600 pixels.

VGA

640×480(4:3)

VGA format na may 4:3 na aspect ratio. 640x480 pixels.

Available lang ang setting na ito sa

Manu-mano na mode ng pagkuha.

Self-timer

Gamit ang self-timer, maaari kang kumuha ng larawan nang hindi hahawakan ang

device. Gamitin ang pagganang ito upang kumuha ng mga self-portrait, o panggrupong

larawan kung saan maaaring nasa larawan ang lahat. Magagamit mo rin ang self-timer

upang maiwasan ang pag-alog ng camera kapag kumukuha ng mga larawan.

Naka-on (10 segundo)

Magtakda ng 10-segundong pagkaantala simula sa pagtapik mo sa screen ng camera hanggang sa makuha

ang larawan.

Naka-on (2 segundo)

Magtakda ng 2-segundong pagkaantala simula sa pagtapik mo sa screen ng camera hanggang sa makuha

ang larawan.

I-off

Agad na makukuha ang larawan sa sandaling tatapikin mo ang screen ng camera.

Smile Shutter™

Gamitin ang function na Smile Shutter™ bago kumuha ng larawan upang matukoy kung

sa anong uri ng ngiti gagana ang camera.

80

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Mode ng pag-focus

Kinokontrol ng focus function kung aling parte ng larawan ang dapat maging malinaw.

Kapag naka-on ang tuluy-tuloy na autofocus, patuloy na i-a-adjust ng camera ang focus

upang manatiling malinaw ang bahaging nasa loob ng may kulay na frame ng focus.

Isang autofocus

Awtomatikong nagfo-focus ang camera sa napiling paksa. Naka-on ang tuluy-tuloy na autofocus. I-touch at

tagalan ang screen ng camera hanggang sa maging asul ang dilaw na frame sa pag-focus, na nagsasaad na

naka-set ang focus. Makukuha ang larawan kapag iniangat mo ang iyong daliri.

Deteksyon ng mukha

Awtomatikong nakakakita ang camera ng hanggang limang mukha ng tao, na isinasaad ng mga frame sa

screen. Awtomatikong nagpo-focus ang camera sa pinakamalapit na mukha. Mapipili mo rin kung sa aling

mukha magpo-focus sa pamamagitan ng pagtapik dito sa screen. Kapag tinapik mo ang screen ng camera,

ipapakita ng asul na frame kung aling mukha ang pinili at naka-focus. Hindi magagamit ang pag-detect ng

mukha para sa lahat ng uri ng eksena. Naka-on ang tuluy-tuloy na autofocus.

Touch focus

I-touch ang isang partikular na bahagi ng screen ng camera upang i-set ang bahaging ipo-focus. Naka-off

ang tuluy-tuloy na autofocus. I-touch at tagalan ang screen ng camera hanggang sa maging asul ang dilaw

na frame sa pag-focus, na nagsasaad na naka-set ang focus. Makukuha ang larawan kapag iniangat mo ang

iyong daliri.

Pagsubaybay sa object

Kapag pinili mo ang isang bagay sa pamamagitan ng pag-touch dito sa viewfinder, susundan ito ng camera

para sa iyo.

Available lang ang setting na ito sa

Manu-mano na mode ng pagkuha.

Metering

Awtomatikong tinutukoy ng pagganang ito ang mahusay na nabalanseng exposure sa

pamamagitan ng pagsukat sa dami ng liwanag na tumatama sa imaheng gusto mong

kunan.

Gitna

Ina-adjust ang exposure sa gitna ng imahe.

Katamtaman

Kinakalkula ang exposure batay sa dami ng ilaw na tumatama sa buong imahe.

Spot

Ina-adjust ang exposure sa napakaliit na bahagi ng imahe na gusto mong kunan.

Available lang ang setting na ito sa

Manu-mano na mode sa pagkuha.

Preview

Maaari mong piliing i-preview ang mga larawan o video pagkatapos mong kunan ang

mga iyon.

Walang limitasyon

Lalabas ang preview ng larawan o video pagkatapos mo itong makunan.

5 segundo

Lalabas ang preview ng larawan o video ng 5 segundo pagkatapos mo itong makunan.

3 segundo

Lalabas ang preview ng larawan o video ng 3 segundo pagkatapos mo itong makunan.

I-edit

Magbubukas ang larawan o video para sa pag-edit pagkatapos mo itong makunan.

I-off

Mase-save ang larawan o video pagkatapos mo itong makunan, at walang lalabas na preview.

81

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Pagrehistro ng mukha

Makakapagparehistro ka ng mga mukha gamit ang application na Camera upang

awtomatikong tumuon ang viewfinder sa mga mukhang ito kapag lumabas ang mga ito

sa viewfinder.

Flash

Gamitin ang flash upang kumuha ng mga larawan kapag hindi maganda ang mga

kundisyon ng ilaw o kapag mayroong backlight. Available ang mga sumusunod na

opsyon kapag tinapiko mo ang icon ng flash sa screen ng camera:

Auto

Awtomatikong tinutukoy ng camera kung ang mga kalagayan ng liwanag ay nangangailangang

gumamit ng flash.

Fill flash

Gamitin ang setting na ito kapag mas maliwanag ang background kaysa sa subject. Tinatanggal nito

ang mga hindi kanais-nais na madilim na anino.

Pambawas ng red-eye

Binabawasan ang mapulang kulay ng mata kapag kumukuha ng larawan.

I-off

Nakasara ang flash. Minsan ang kalidad ng larawan ay maaaring mas maganda na walang flash, kahit

na madilim. Ang pagkuha ng larawan na hindi gumagamit ng flash ay nangangailangan ng hindi

gumagalaw na kamay. Gamitin ang self-timer upang iwasan ang malalabong larawan.

Torch

I-o-on ang torch o ilaw ng camera kapag kumuha ka ng mga larawan.